Thursday, October 2, 2008

Teenager na tricycle driver sasaksak dahil sa pila

Pinagtulungan ng apat na tricycle driver ang isang 19-year old na kapwa tricycle driver dahil sa pila ng kanilang sasakyan. Nasaksak at napatay si Ariston Obosa, alias Robert, binata at nakatira sa Tindalo Street, Sta. Cruz, Manila.

Dead on the spot ang binatilyo dahil sa tinamong pitong (7) saksak sa leeg at katawan at mga tama sa ulo ayon sa police report ni Senior Police Officer 2 Edgardo Ko ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD)

Nakatakbo ang apat na salarin makatapos ang insidente.

Naganap ang krimen bandang alas 5:30 ng hapon sa isang iskinita malapit sa Ipil Street ng Tondo.

Source: GMA News

No comments: