Tuesday, August 23, 2011

Asuncion Public Market, Tondo Manila

Personal Note lang po...
Tibay ko talaga..while in the middle of rigorously working on my daily report dito sa trabaho bigla ko na lang naalala yung Asuncion Public Market sa may Zaragosa St. cor Asuncion Ext. Tondo Manila.
Noong bata pa kasi ako lakwatsero na ako sa paligid namin. Kung saan-saan kami nakakarating ng mga kalaro ko. Galugad namin ang buong Asuncion Ext., diretcho sa Zaragosa tapos liko ng Wagas saka kami mamimili kung saang kalye namin tatahakin ang pabalik sa Asuncion Ext.
Kung sa Matiisin, Matimtiman, Padre Rada o Zabala.

Pero balik tayo sa Asuncion Public Market.
Para bagang naamoy ko ang mga kinayod na buko doon sa parteng pakwanan or melon. Doon sa bilihan ng panotsa at gatas ng kalabaw....
Nandon din ang public restroom na pag nadapa ka sa loob eh kailangan mong maligo ng alchohol dahil.. anyways...wala lang..nag-mumuni-muni lang.. Mahigit 10 taon na kasi mula ng huli akong umuwi sa Pinas...tsk... haaayyy...


Ok back to work!! Peace mga taga-tondo!


2 comments:

clar said...

kumusta na kaya tondo ngayun noh ? sana kumilos naman ang gobyerno para sa ikakaunlad nang ating BANSA.Sakit.info

nano9d2 said...

Fast forward ngayon 2021.
May pagbabago na pong nagaganap sa Tondo! Simula ng umupo si Mayor Isko Moreno ay biglang nagkaroon ng sigla ang pagusad ng maynila at syempre hatak na dito ang pinagmulan ni Yorme. Ang tondo!
Ang dami ng nagawa ni Yorme katulad ng paglilinis ng CM Recto at pagtaggal kay Eddie at Patty sa sirkulasyon!
Nakita mo na ba ngayon ang Moriones? Ang Jones Bridge?
Ang delpan bridge? Wala na halos nakaparadang mga container van!